ENCHANTED KINGDOM
Anong meron sa "Enchanted Kingdom?" Alamin.

Sa ika-28 ng Agosto, Martes, alas-6 ng gabi sa White Box Gallery, Cubao Shoe Expo, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Kasama sa exhibit na ito sina CALOY GERNALE, Rene Cuvos, Crisanto de Leon, Bunch Garcia, at Arthur Sanches.

Imbitado kayong lahat. Kitakits!:)

PUTOL
Putul-putol
na pakikipagtalasta---
san.

HANGGANG SA SUSUNOD
BUSY AKO.

POP PANGARAP
Kung ika'y mangangarap
Sumali ka sa starstruck
Sa textvotes man ay lagpak
Ikaw pa ri'y sisikat.

DEKLARASYON
Hindi ko sinabing sungkitin mo ang buwan at mga bituin para sa akin. Wala akong pakialam kung ilang awit ang aawitin mo, o kung ilang isaw ang kakainin mo. Hindi ko rin gustong mag-ipon ka ng tansan para sa'kin. Kahit ilang ilog o dagat pa ang iyong tawirin, at kahit higit pa riyan ang gusto mong gawin, hindi iyon mahalaga.

Huwag ka ring mangakong parang politiko. Hindi ko kailangang marinig ang mga plataporma mo. "Paano ko malalaman kung seryoso ka sa akin, sa nararamdaman mo para sa'kin?," tanong ko sa'yo. Huwag kang umimik, wala akong gustong marinig pero marami akong gustong makita't maramdaman. Alam mo ang mga iyan kahit di ko sabihin sa'yo.

Ang kailangan ko lang ay maging tapat ka sa akin, sa relasyon natin. Gaya ng sinabi ko sa'yo dati, ingatan mong parang hamog sa palad ang tiwalang ibinigay ko sa'yo.

Sabi sa nabasa ko, "Mahal kita dahil mahal ko ang sarili ko." Hindi ba't parang hinulma sa damdamin ko ang mga salitang ito?

Speed = Distance over Time.

Sa ngayon, ito ang naghihiwalay sa atin, bagama't ito rin ang nag-uugnay sa atin.

ANAK NG GIYERA
Ako ay anak ng giyera
ipinaglihi ako sa bomba
kumakain ako ng bala't
umiinom ng krudo
hininga ko'y amoy usok
utot ko'y parang putok
ng kanyon ng Impeng Kanong
gumahasa sa Nanay ko.

AKO AY ISANG TRICYCLE DRIVER
Kung krudo ang pawis
na tumatagaktak
mula sa noo, leeg
hanggang sa kamay na parang bakal
na nakakapit sa silinyador ng tricycle,
disin sana'y di na kailangang
ipambili ng langis
ang perang pangkain.

May 1, 2006. Calamba, Laguna.

LIMANG BUGTONG
I.    Kalasag ng sampung sundalo'y
walang kalaban-laban
sa matatalim na labing
gawa sa metal.

II.    Isang milyong sundalo
matatapang na sumugod
pero isa lamang
ang nagtagumpay sa laban.

III.    Tanggap ko ang paminsan-minsang pagdalaw mo
Kahit di ko maintindihan
kung bakit sinasaktan mo ako.

IV.    Ako ay may pakpak
pero di nakalilipad;
ako ay tagasalo
ng buwanang problema mo.

V.    Dumi't alikabok
dala-dala ko
sa paglabas
sa gubat mo.

Limang bugtong. July, 2004. Los Banos, Laguna.

AKO ANG PANGYAYARI
"Nangyari ako at hindi ka tumingin."
-mula sa homilya ni Fr. Ferriols, SJD (sa librong Salvaged Prose ni Emmanuel Lacaba)

Palagi namang ganoon. Hindi naman kasi hinahanap ang naririyan. Kung kailan ako'y wala, saka n'yo ako hahanapin. Anong kailangan n'yo sa akin?

Nagnanana na ang kasabihang malalaman mo lang ang importansya ng isang bagay (o tao) kung ito'y wala na. At ito sa utak ninyo'y tila naimpeksyon na.

Para kayong mga langgam na nagkagulo sa butil ng kaning nahulog sa sahig nang mabalitaan n'yong nandito pala ako. Pero di n'yo ako naabutan, ni hindi n'yo nasilayan ang bagong-gupit kong buhok. O baka hindi n'yo ako nakilala, gaya sa isang popular na bugtong: nariyan na'y hindi pa nakikita. Nangyari ako't hindi kayo tumingin.

DAMO
Bagong ligo ang damuhang bumati sa puwitan ko sa muli kong pagbalik sa *Elbi. Di gaya dati, mukhang mas mayabang ang mga damo ngayon, parang gustong magpasikat sa mga magulang at sa mga magsisipagtapos ngayong Abril, gayong tatapakan lang naman sila't di mararamdaman ng mga suwelas ng balat na sapatos ng mga magmamartsa. Ang mga damong ito, manang-mana sa bago nitong chancellor.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nadidiligan pa rin ng tamod ang mga damong ito. Wala nang mga gamit na condom na magsasabi sa'kin tungkol sa bagay na 'yon. O siguro, kanina pa winalis ang mga ito't nakakahiya raw para sa mga sumasamba sa diyos.

Madamo pa rin sa Elbi. Marami pa ring adik sa relihiyong puwedeng irolyo sa papel, sindihan, at hithitin para pansamantalang maramdaman ang kamay ng diyos.

Madamo pa rin sa Elbi. Sa mga likaw na Tagalog, ang ibig sabihin nito'y makalat. Sa admin matatagpuan ang pinakamalaking kalati, ang chancellor. Hindi ko pa rin nakakalimutang pinagbantaan niya akong kasuhan para makulong dahil lang sa mga unang buwan ng kaniyang panunungkulan ay plackard at hindi palakpak ang isinalubong ko sa kanya. Ang mga kagaya niyang tae ang nagpapalusog sa madamong lupa ng Elbi.

*UP Los Banos